Wednesday, May 28, 2014

Azkals Finals Vs. Palestine UFC Challenge Cup 2014


Go Azkals sa wakas na sa finals na tayo vs. Palestines good work Azkals..... Ang ganda ng laban kaninang madaling araw sa sagupaan ng Azkals vs. Maldives di mo malalaman kung sino mananalo, talagang dikit ang laban bakbakan di nakakatamad panoorin.... Eto na ata ang napanood ko sa laro ng Azkals na lagi kang kakabahan tuwing pupunta sa kalaban ang bola dahil napaka bilis ng mga taga Maldives player ang liliksi.... buti di bumigay ang depensa ng Azkals....  laking bagay ng depensa ng goal keeper nila sa pamamagitan ni Roland Muller ang daming save na nagawa pati ang free kick ng maldives na harangan din nya, good job Muller.... Ang galing din ni Greatwich dahil sa kanyang goal  naitala ang 3-2 score laban sa maldives nakaabante tayo sa finals laban sa Palestine sa May 31 2014 ..... I hope na mag champion tayo para makapasok tayo sa AFC Asian Cup 2015 sa january.

Tuesday, May 27, 2014

AFC Challenge Cup 2014 - semi finals @ Maldives


Mamya na ang laban ng Azkal para semi finals ng 2014 AFC Challenge Cup, kalaban mismo ang host country na Maldives..... sana sa pagkakataon na eto makapasok tayo sa championship, para may pagkakataon tayong makalaro sa AFC ASIAN CUP..... Medyo may pag babago na sa laro ngayon ng Azkal hindi na gaya ng dati na laging long pass ang pasahan sa ngayon maganda na ang mga short pass mas mabilis narin ang mga bagong player.... pero the BEST talaga si Stephan Schrock ang galing nya magdala ng bola at mabilis..... GO Azkal...... Possitive din ang bagong coach na si Thomas Dooley.....

Monday, March 19, 2012

AFC Challenge Cup 2012


Nakakapanghinayang man na ang Azkal ay di nagtagumpay sa huling laban nila sa kuponan ng Turkmenistan para sana sa Final 2 ng AFC Challenge Cup ay may pagkakataon naman tayong makasungkit ng kaunaunahang title kahit manlang etoy pang 3rd place.... Sana gawin lahat ng Azkal ang galing nila para meron naman tayong ibandelang trophy.... Makakalaban nila mamya ang Palestine para sa 3rd place...... Go Azkal!

Saturday, December 10, 2011

Prestige Cruises

Maganda sana sumakay para mag relaks sa Prestige Cruises, ang problema lang ang accomodation nila ay maiinis ka... isang oras at 15 mins. lang silang maglalayag. Buffet ang pagkain pero dapat hindi na ganun e serve nalang dapat..... kasi sa na experience ko sa isang oras ay ang ginawa nalang ng mga tao ay pumila, pabalik na ang Cruises ay di pa nakakain ang ibang tao di manlang sila naka pag relaks na yon naman ang purpose kaya sila sumakay.... buti kami ay nasa unahan naka pwesto kaya nakakain kami una... marami rin ang di nag enjoy sana baguhin na nila.... e serve nalang ang food tutal dalawang klase lang naman ang putahe nila... maglalayag sila sa kahabaan ng Roxas boulevard papuntang MOA...









Friday, December 2, 2011

Azkals vs. LA-Galaxy tuloy na!


Tuloy na tuloy na ang laban ng Azkal vs. LA- Galaxy bukas ng gabi, sayang ngalang na medyo mahal ang tiket magtiyaga nalang panoorin sa t.v. ok lang naman importante makita natin kung kakayanin ng Azkal ang opensa ng Galaxy.....  malaking bagay talaga ang laro na eto para sa kuponan natin lalakas ang loob nila pag nakipag laban sila sa susunod na AFC challenge next year.... makakuha lang tayo ng isang puntos masaya na tayo daan nalang sa sigawan..... go Azkals!

Friday, October 28, 2011

Phils. AZKAL vs. LA-GALAXY


Nakaka excite naman dahil tuloy na ang laban ng Azkal vs. LA-Galaxy ang kuponan nila David Beckham sa Rizal Memorial Stadium sa darating na December 3, 2011..... siguradong dadagsa ang fans ng Azkal at pati ang mga fans ng Galaxy.... magandang bagay eto para sa ating bansa dahil nakikilala na talaga ang pinas pag dating sa larangan ng football.... sa pagkakaalam ko ang huling may pumunta sa ating bansa na isang team na kilala at naglaro din dito sa RMS ay ang kuponan ng Brazil first division squad Cruzeiro noon pang 1970.... Magkakaroon din sila ng clinic para sa mga piling bata galing sa Bantay Bata Foundation....

Thursday, July 21, 2011

AZKALS vs. KUWAIT 2011 AFC World Cup Qualifier

  Excited na akong mapanood ang laban ng Azkals at Kuwait sa sabado july 23 live via Studio 23 @ 11:30 p.m. ... Maraming di naniniwalang kaya ng Azkal na ipanalo ang laban pero sabi pa nga hanggat di pa naglalaro di pa natin malalaman kung kakayanin nila manalo sa sabado..... ganun din ang nangyari noon sa Azkals vs. Vietnam na nagbigay sila ng score na 2-0 sa Suzuki Cup di rin natin naisip na magtatagumpay sila! Nakapusta pa naman ako sa Azkal maliit lang para naman may spice lang habang pinapanood ko.... We Believe!

Thursday, July 7, 2011

Cobra Energy Drink Ironman Workout

Almost everyday ay umiinom ako ng COBRA Energy Drink masarap naman  ang lasa di gaya ng iba na gamot na ang amoy at lasa..... lalo na sa trabaho ko kelangan ng pampalakas... Madalas ko rin syang inumin pag naglalaro ako ng POKER every saturday nawawala ang antok ko di ko alam kung sychology nalang pero effective talaga sa akin... kahit iba kung barkada yon din iniinom pag nag po poker kami.... Eto nga pala ang bagong Ads ng COBRA sa youtube! pa click nalang!

Saturday, March 26, 2011

AZKALS for 2012 AFC cup

Sa wakas sa kaunaunahang pag kakataon nakapasok narin ang Pilipinas para sa AFC CUP next year sa pamamagitan ng 3-0 mark laban sa bangladesh, nakakalungkot man isipin na bago ang laban ay tinamaan ng 6.8 magnitude ang bansang Myanmar na sya pa naman ang host sa qualifying round. Buti maganda parin ang nilaro ng Azkal nasanay na siguro sa lindol dahil bago paman sila tumulak sa Myanmar ay naranasan din nila ang lindol sa Japan, baka isa itong senyales na mag champion sila next year (sana). Kung anong hirap ang dinaanan ng kuponang eto, nakakapanghinayang lang ay di man lang natin na panood dito sa Pinas ng live ang laban nila ng Bangladesh... Mabuhay Azkal!


Tuesday, December 14, 2010

AFF SUZUKI CUP 2010 - Philippine team

Manganda ngayon ang nangyayari sa ating philippine football team dahil sa kauna unahang pagkakataon ay nakapasok tayo sa Semi Final para sa AFF SUZUKI CUP 2010... Di madali ang pinag daanan natin nitong mga dalawang huling laban nila sa Vietnam at Myanmar.... Defending champion ang Vietnam na di makapaniwala na nagawa natin silang ipako sa score na 2-0 kaya kung makikita nyo ang video nong matapos ang laban nila ay napikon ang coach ng Vietnam, ayaw man lang makipagkamay sa coach natin.... Sa laban naman natin sa Myanmar ay maganda rin ang nilaro ng ating pambato 0-0 ilang beses tayong nag attempt na maka score pero di talaga pumapasok ang bawat sipa nila sa bola, pero ok lang dahil pasok narin naman tayo sa Semi Final..... December 16, 2010 ang susunod na laban naman ay makakatapat natin ang Indonesia ito ay mapapanood sa ESPN or sa Channel 23... Kung tutuusin eto ang laro na malaki ang potensyal ng mga pinoy dahil di kailangan ng tangkad.... Patok nga eto sa Visayas marami ang sumusubaybay sa larong eto, mula elementary at college ay nilalaro eto ng mga estudyante bakit hindi eto bigyan ng pagpapahalaga dahil eto ang isang larong pwede uli tayo mamayagpag sa buong mundo....








Thursday, July 15, 2010

PAGASA - LAgi Nalang

                                                             
Dumaan na naman ang isang Bagyo na tumama sa Central Luzon at gaya ng dati nag sisihan na naman dahil kisyo raw palpak ang prediksyon kung saan tatama at anong oras.... Dapat kasi bago mag sisihan tingnan muna kung sapat paba ang kagamitan ng PAGASA..... lagi nalang ganyan ang naririnig natin pag tapos na ang sakuna yong marami na ang patay..... para bang niloloko nalang nila lagi ang mga pinoy! di naman natin masisi ang mga namamahala sa PAGASA dahil hindi naman sila ang may hawak ng  Budget para sa modernisasyon ng ahensya... sa tingin ko naman mas gusto nila na modern ang kagamitan nila para mas madali ang trabaho nila at sa pag update ng mga mangyayari pag may Bagyong parating!.....  Sana PNOY mabigyan talaga natin ng pansin eto dahil taon taon marami ang buhay na nasasayang kung tutuusin naiiwasan naman kung naagapan lang!

Wednesday, July 7, 2010

Medyo matagal....

Medyo matagal na naman akong hindi nag sulat pasensya na sa mga sumusubaybay sa akin kung meron man hayaan nyo mag sisipag akong mag sulat para kahit papano eh may mabasa naman kayo ng Kwentong Jrynipiz..... naghahanap lang ako ng medyo magandang material na isusulat dito!  oo nga pala nilagay ko lang ang butterfly picture nayan kasi natuwa ako habang nasa bus ako dumapo yan sa kamay ko...

Tuesday, April 6, 2010

HACHIKO - Story of The Dog

Nakaraang lenggo may napanood akong isang movie sa pirated dvd syempre na binurn galing sa internet na ang pamagat ay Hachiko, kwento eto tungkol sa isang aso na sobrang loyal sa kanyang Amo... di ko akalain na napakaganda ng pag kagawa ng pelikulang eto, siguro sa sobrang hilig ko manood ng movie masasabi kung isa eto sa pinakamagandang palabas na napanood ko lalo na kung mahilig ka sa aso im sure uulit ulitin mo panoorin.... Take note last kung iniyakan ops! napaluha lang pala sa isang pelikula ay ang Armaggedon ang tagal na noon, ngayon lang uli ako na paluha, nakakaiyak talaga ang movie na eto... Isa palang totoong pangyayari sa japan noong taong 1926... di ko na ikwento ang estorya ng pelikulang eto para panoorin nyo... magdala lang kayo ng panyo.... eto naman ang kanyang statue sa Japan...

Tuesday, March 9, 2010

Ayala Triangle Free WIFI

Maraming naglalakad sa Ayala Ave. na may mga hawak ng cellphone na WIFI capable  ang di nakakaalam na sa loob ng parke sa may Ayala Triangle ay free ang internet thru wifi powered by Globe.... maganda eto dahil pag medyo pagod ka galing sa work at nagawi ka d2 kung may wifi ang phone mo pwed ka makapag internet habang nag papahinga ka sa lilim ng puno at may mga nagtitinda rin ng pagkain sa loob ng parke! ( GANYAN KAMI SA MAKATI! ) 
                                                                                                                               

Monday, March 1, 2010

Smart Bro SurfTV

Good news talaga ang ginawa nitong Smart Bro para sa mga walang computer sa bahay.... di ko akalain na darating ang panahon na sa isang maliit na gadget ay makakapag surf na tayo sa net sa pamamagitan ng TV.... simple lang gamitin para kalang nag lagay ng DVD sa TV sa pamamagitan RCA connector.... tapos makapag internet surfing kana makapag download kapa ng mga picture sa internet site pic. storer.... medyo mura lang sya kung ikukumpara naman sa bagong PC na bibilhin mo.... 4,500 sya kasama na ang usb mouse at keypad, at may free 100 load na ang usb..... para kalang din nag internet sa cafe ang lamang lang dito nasa bahay kana di kana lalabas pa.... 20 pesos per 1 hour ang charge nya..... may unlimited din sya for 200 load 5 days unli. na sya...... Kagaya sa akin na wala pang computer sa bahay pwed ko etong pag ipunan pero antay muna tayo mga 2 months o 3 months baka bumaba pa ang presyo at malaman din natin ang feedback kung ok talaga sya gamitin..... 2 mbps pala ang bilis nya.....

Tuesday, February 16, 2010

Sky Lanterns @ Tacloban City




Nakakatuwa at may bago na namang gimik ang Tacloban City sa pamamagitan ng Sky Lantern Festival at itoy kauna unahang nangyari sa Tacloban..... mismo sa araw ng mga puso at sabay narin sa pagdiwang ng Chinese New Year...... Maganda ang mga ganitong activity para dumami narin ang mga turista na dadayo sa City namin maging lokal man o dayuhan.... para sa mga organiser Mabuhay kayo! salamat sa pag papaganda ng Tacloban City!

Monday, February 15, 2010

TOWER.... Magsaysay

ang sarap talaga magtambay dito lalo na pag gabi na sa likod ko makikita maliit na island airport na ng Tacloban yon!
eto ang tower na ngayon ay tinatawag ng Mags ala na kasi yong nakatayong tower
eto naman ang kapatid kung bunso medyo mataba lakas kasi kumain.... hehehehe....

Natatawa ako nong pag uwi ko nong Dec. sa Tacloban City sa hometown ko niyaya ako ng kapatid ko na pumunta daw kami sa ( Mags ) mag-inuman..... sabi ko saan yon? ..... yon pala sa TOWER... magsaysay pala.... pero masarap talaga magtambay don lalo na pag gabi masarap ang simoy ng hangin na galing sa dagat..... ang daming barbekyuhan... at masarap pa ang mga luto.... Manok talaga at mura lang.... Redhorse ang madalas inumin ng mga namamasyal... at ang dami ding babaeng nagiinuman don at mga estudyante pa nagulat nga ako mga bata pa..... pero malalakas uminom.... hindi kagaya ng panahon namin non na ang mga tambay na babae eh kilala mo na ngayon ang dami na di na kasi nakakatakot ang lugar di gaya noon..... nakaka miss talaga ang Tacloban!

Friday, December 11, 2009

Tinamad lang Magsulat

Nitong mga nakaraang mga buwan at araw ay medyo tinamad tayong magsulat at alang pumapasok na idea para maisulat dito...... kaya eto nagpaparamdam lang sa mga matiyaga na nag aabang ng bago kung ikwekwento...... ganun paman salamat sa mga dumadalaw sa blog ko hayaan nyo sa susunod medyo dadalasan ko na ang pag kwento....... salamat uli sa sa mga blogger na dumadalaw dito at sa mga napapadaan lang sa site ko.....

Wednesday, September 9, 2009

Jeepney Driver & The Politician

Madalas sa umaga sumasakay tayo ng jeep papasok ng opisina napapansin ko lang ang mga jeepney driver ay magpapasakay ng mga pasahero kahit nasa kanto na, na may mga nakalagay na sign sa gilid na no loading & unloading madalas din kasi na nandoon naka abang ang mga pasahero..... pero ang nakaka bwiset sa mga driver ay kung ikaw na ang baba sasabihin nila na bawal bumaba dyan, samantalang nong nagpasakay sila kahit bawal ang hinintuan nila ay kumukuha sila ng pasahero para bang pag nakuha na nila ang bayad mo ay wala na silang pakialam sa pasahero kung napalayo man ang kanyang binabaan..... Kaya tuloy naalala ko etong mga politician natin pag malapit na ang eleksyon panay ang ligaw sa mga botante pag nakuha na nila ang mga boto natin madalas na di mo na sila malapitan..... pag pupuntahan mo sila sa mga opisina nila para makahingi ng tulong ay ang mga staff lang nila ang sasalubong sayo at sasabihin ala dito si ganun nasa out of town o kaya may meeting.... samantalang pag nangangampanya palang sila di hamak na una pa nilang iaabot ang mga kamay nila para maramdaman ng mga botante na minamahal sila ng politician..... etoy sa wari ko lang na may pag kakahawig pala ang ugali ng dalawang eto...... na pag nakuha na ang bayad mo o ang boto mo ay pwed ka nila iwan sa ere!

Monday, August 24, 2009

According To Mo Twister!

Ano kayang magandang gimik ang pwede gawin para manalo sa pa contest nila Mo Twister at Grace Lee.... Ang gagawin lang daw ay ganito kilangan mag gawa ng kakaibang klaseng gimik nakakatawa man o hindi para ma e promote ang kanilang radio program sa Magic 89.9 ...... naririnig ang kanilang programa tuwing monday to Thursday between 6 a.m. to 9 a.m., kahit sino pwede sumali nasa ibang bansa kaman, basta kaya mo magpromote na maraming makakapansin sa gimik mo..... etoy sa youtube sa kalsada o sa mga building basta nakikita ang kanilang mga pangalan o mukha sa gagawin mo..... pero di biro ang prices nila itoy tumataginting na 500 thousand pesos.... nagsimula na ito ngayon araw isang buwan etong pa contest nila pero weekly may mga mananalo rin... sa grand finals sa loob ng isang buwan ay doon naman matatanggap ang .5 million sa mananalo.......... o sa mga nagbabasa sa akin pagkakataon nyo na kumita ng malaking pera.... isip lang kayo ng magandang gimik........

Wednesday, July 29, 2009

MC ARTHUR PARK - Tacloban City











Isa rin eto sa mga mapapasyalan sa Tacloban City..... dito naganap ang Leyte landing noong panahon ng pangalawang digmaan.... na naging famous line ni Gen. Douglas Mc Arthur dito ay ang I SHALL RETURN na hanggang ngayon pag nagpapaalam ang mga tao sa kanilang mga mahal sa buhay ay naisisingit mag biro na I Shall Return..... maganda dito mag relaks kasama ang pamilya.....