kwento eto ng lolo ko! yong natatandaan ko at kwento rin ng papa ko at lola ko sa awa ng diyos medyo malakas pa ang lola ko.... pero si lolo ala na... Nong maliliit pa kami naalala ko tuwing uuwi ng bahay ang lolo ko laging may mga daladala...
galing palengke mahilig kasi mag luto ang lolo ko ng mga masasarap na pagkain palibhasa chinese kaya ang ulam noon laging masarap..... ang lola ko naman medyo masinop sa pagkain ang mga tira inde yan basta basta papakain sa mga katulong deritso ng ref. yan itatago... pero syempre may pagkain din sila inde nga lang as you like ang makakain ng mga katulong non..... Siguro yon ang namana ng papa ko at namana ko rin sa papa ko kasi ang papa ko pag uwi ng bahay lagi rin galing palengke... pati ako lagi rin ako galing ng palenke pag katapos ng ofis sanay na ako na ang pagkain laging bagong luto at ayaw ko ng malamig lalo na ang kanin.... yon ata ang namana namin sa lolo ko! yong pagkahilig sa masasarap na ulam at bagong luto....
Sayang din ang galing ng lolo ko noon sya ang may hawak ng Marlboro at Philip Morris na brand ng sigarilyo, sa madaling salita sya lang naman ang distributor ng Marlboro at Philip Morris sa Tacloban City im not sure lang kung buong region 8 ay hawak nya nong time na yon mga 70s at 80s.... kaya ko nasabing sayang ay sa dami nyang anak ay wala man lang ni isa na nagka interes na matuto sa pag nenegosyo gaya ng ginagawa nya.... palibhasa marami silang pera noon.... kaya mga anak nya siguro happy go lucky lang ..... Kwento pa nga ng papa ko meron pa silang sinehan non sa Calbayog City na naibinta rin nila bago mag stay sa Tacloban City ..... at apat sa anak ng lolo ko may kanya kanyang bahay parang apartment style , kasama na ang papa ko..ang ibang anak nya ay hindi nakatira sa compound ng lolo ko... Hindi ko alam pero nong time na yon lagi raw nasa majhongan ang lolo ko, ang lalaking halaga pag natatalo sya nong time na yon pag natatalo sya sa isang gabi mga 30k to 50k gabi gabi... kaya medyo humina rin ang negosyo nya...... Sayang talaga at di namin naabutan, kaming mga apo sana ang nagpatuloy sa negosyo nya.... hanggang sa dahan dahan nawala sa kanya ang negosyo... ang pagkakaalam ko ay ang namahala ay ang kapatid nyang babae... pero di ko maikwento kung papano nangyari kasi di ko pa inaalam ang buong istorya kung papano nangyari ang ganun... sayang na sayang talaga... di ko man lang naabutan ang mamuhay ng may lolo kang milyonaryo... di ko pa kasi ramdam noon kasi maliliit pa kaming magpipinsan.... hanggang sa isa isa ng naibenta ang mga aririan ng lolo ko..... at ng mamatay sya isa nalang ang natira yong malaking bahay na naibinta rin noong nandito na ako sa makati..... sa madaling salita naubos ang kayamanan ng lolo ko.... sya nga pala ang pangalan pala ng lolo ko ay QUINTIN CHAN SR. papa ko kasi JR. nakasingit dyan ang picture ng lola ko at ako..... until nxt time plsss... give comment!