Ang ganda rin ng view ng Rockwell area at sa kaliwang side naman yan ang station ng Ferry na bumibiyahe sa kahabaan ng Pasig Ilog
Patawid naman ako nyan ng mandaluyong nag aantay ako ng bangka....
Kuha naman yan ng mga pasakay na pasahero galing mandaluyong pasakay rin ako
Medyo kainip mag antay ng bangka lalo na pag ganitong saturday iisa lang ang bumibiyahe...
Patawid naman ako nyan ng mandaluyong nag aantay ako ng bangka....
Kuha naman yan ng mga pasakay na pasahero galing mandaluyong pasakay rin ako
Medyo kainip mag antay ng bangka lalo na pag ganitong saturday iisa lang ang bumibiyahe...
Ala na talagang mura ngayon pag dating sa pamasahe sa transport vehicle, buti nalang at meron pang bangkang masasakyan patawid ng Makati galing ng Mandaluyong.... 3 peso lang kasi ang bawat tawid pag sumakay ka ng bangka na may laman na 20 to 25 person. Tuwing umaga kasi sumasakay ako ng bangka patawid ng Makati dyan sa may hulo Mandaluyong atleast nakatipid ako ng limang peso araw-araw kung ala kasing bangka mapipilitan kang sumakay ng trycicle 8 pesos naman ang pamasahe non.... Kaya malaki rin ang pasasalamat namin sa mga bangkero, isa pa maganda narin ang Pasig Ilog ngayon hindi na sya mabaho kagaya ng bago palang ako d2 sa manila na amoy lumot pag tag-araw.... Malapit lang din ang terminal ng ferry na bumibiyahe sa kahabaan ng Pasig Ilog. Minsan naman pag pumupunta ako ng Quiapo at mamimili ng piratang dvd, Ferry narin ang sinasakyan ko 25 lang yon mula d2 sa HULO Mandaluyong..... Nakikita mo pa ang likod ng malacanang nadadaanan kasi yon para kalang namasyal.... Marami karing makikita sa gilid ng Pasig Ilog na normaly di natin nakikita pag nag je jeep tayo or nag bus.... Sana rin ay mapapanatili natin ang kagandanhan ng ating pinagmamalaking Ilog Pasig....