Wednesday, July 29, 2009

MC ARTHUR PARK - Tacloban City











Isa rin eto sa mga mapapasyalan sa Tacloban City..... dito naganap ang Leyte landing noong panahon ng pangalawang digmaan.... na naging famous line ni Gen. Douglas Mc Arthur dito ay ang I SHALL RETURN na hanggang ngayon pag nagpapaalam ang mga tao sa kanilang mga mahal sa buhay ay naisisingit mag biro na I Shall Return..... maganda dito mag relaks kasama ang pamilya.....

Tuesday, July 28, 2009

SAN JUANICO BRIDGE- Tacloban city





















Ang ganda talaga ng Pilipinas kung tutuusin marami sa atin ang gustong mamasyal sa ibang bansa, pero di nila napapansin na iilan parin lang ang kanilang napupuntahang mga probinsya dito sa pilipinas.... Na di hamak na mas maganda naman kisa sa iba.... tulad nalang ng Tacloban City ang daming mapapasyalan iisa na dyan ang San Juanico bridge..... ang maganda dyan ay yong maglalakad ka sa kahabaan ng tulay na yan.... ang sarap langhapin ang sariwang hangin.... Dyan din naitala ang record ng kaunaunahang taong tumalon noong mga 80s sa ngalan ni Dante Barona na syang nag pasikat sa kanya bilang artista.... Ang San Juanico bridge ay nagdudugtong eto ng Samar at Leyte Island.... mga 20 mins. ride from Tacloban proper...

Thursday, July 23, 2009

ALLERGY - sa pera

Nasa bangko ako kanina sa BPI salcedo branch... nakita ko ang teller na naka gwantes ang isang kamay.... naitanong ko kung bakit naka gwantes ang isang kamay sabi nya allergy daw sya... sabi ko saan?... at nagulat ako allergy daw sya sa pera, ang kakaiba pa doon.... kaliwang kamay lang ang nangangati pag nakakahawak ng pera... kakaiba rin... ang mga magnanakaw pag nangangati ang kamay nagkaka pera..... pero sya pag nagkaka pera nangangati ang kamay....

Monday, July 20, 2009

MICHAEL JACKSON - Fire accident

kahapon habang nanonood ako ng isang programa sa isang international t.v. news ay nagulat ako sa isang balita tungkol kay mike..... sa loob ng 25 years naitago ng mga kampo ni mike ang nangyari sa isang event ng pepsi.... na tinawag na pepsi fire accident.... natamaan pala ang ulo ni mike ng apoy na galing sa phyro technic na ginamit na props habang sumasayaw sya.... malalim pala ang naging sunog sa ulo nya 3rd degree burn.... aahhh ang sakit noon at doon na nga nag umpisa ang naging kalbaryo sa buhay nya.... pero nakakabilib talaga ang mga taong kayang mag tago ng sekreto sa loob ng 25 years lalo na pag sikat na personaledad ang pinagtatakpan.... anyway ganun talaga ang buhay kung kilan ka namatay saka lalabas ang masama mong karanasan at ang maganda... pero in music the best parin si Michael Jackson....