Wednesday, September 9, 2009
Jeepney Driver & The Politician
Madalas sa umaga sumasakay tayo ng jeep papasok ng opisina napapansin ko lang ang mga jeepney driver ay magpapasakay ng mga pasahero kahit nasa kanto na, na may mga nakalagay na sign sa gilid na no loading & unloading madalas din kasi na nandoon naka abang ang mga pasahero..... pero ang nakaka bwiset sa mga driver ay kung ikaw na ang baba sasabihin nila na bawal bumaba dyan, samantalang nong nagpasakay sila kahit bawal ang hinintuan nila ay kumukuha sila ng pasahero para bang pag nakuha na nila ang bayad mo ay wala na silang pakialam sa pasahero kung napalayo man ang kanyang binabaan..... Kaya tuloy naalala ko etong mga politician natin pag malapit na ang eleksyon panay ang ligaw sa mga botante pag nakuha na nila ang mga boto natin madalas na di mo na sila malapitan..... pag pupuntahan mo sila sa mga opisina nila para makahingi ng tulong ay ang mga staff lang nila ang sasalubong sayo at sasabihin ala dito si ganun nasa out of town o kaya may meeting.... samantalang pag nangangampanya palang sila di hamak na una pa nilang iaabot ang mga kamay nila para maramdaman ng mga botante na minamahal sila ng politician..... etoy sa wari ko lang na may pag kakahawig pala ang ugali ng dalawang eto...... na pag nakuha na ang bayad mo o ang boto mo ay pwed ka nila iwan sa ere!
Subscribe to:
Posts (Atom)